Pagpapapalawak sa Malasakit Centers prayoridad ng administrasyon

Bibigyang prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawak pa sa mga Malasakit Centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, ito ang dahilan kung kaya itinulak siya ni Pangulong Duterte na tumakbong senador. Nais umano nito na tuluyang maisabatas ang pagkakaroon ng mga Malasakit Centers.

Sa ilalim ng Malasakit Center, libreng ipinamamahagi ang mga gamot at libre ang pagpapa-ospital sa mga mahihirap na Pilipino.

Giit ni Go, mahalaga na magkaroon ng batas para sa Malasakit Centers para kahit matapos na ang termino ni Pangulong Duterte ay magtutuloy-tuloy pa rin ang programa.

Nakadudurog aniya ng puso na makita ang ilang Pilipino na walang maipambayad sa pagpapa-osital.

Read more...