3 incumbent mayors sa Mindanao, sinibak ng Office of the Ombudsman

By Jong Manlapaz November 05, 2015 - 02:54 PM

Ombudsman1
Inquirer file photo

Pinasisibak sa pwesto ng Office of the Ombudsman ang tatlong incumbent mayors sa magkakaibang lugar sa Mindanao dahil sa kinakaharap nilang mga kasong administratibo.

Kabilang sa mga sinibak sina: – Cagayan De Oro City Mayor Oscar Moreno,  Matanao, Davao De Sur Mayor Vicente “Butch” Fernandez Jr. at Ditsa-an Ramain, Lanao Del Sur Mayor Mamintal Adiong.

Ang tatlo ay napatunayang guilty sa mga kasong grave misconduct, serious dishonesty, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of the public service.

Maliban sa pagkakasibak ang tatlo ay hindi na rin papayagang humawak ng pwesto sa gobyerno at kanselado na rin ang kanilang mga benepisyo.

Sa desisyon ng Sandiganbayan, si Moreno ay napatunayang guilty matapos pumasok sa kasunduan sa Ajinomoto Philippines nang walang prior authorization mula sa City council o Sangguniang Panlungsod.

Sa kasunduan, pinayagan ni Moreno na magbayad lamang ng P300,000 ang Ajinomoto sa City Government sa kahit umaabot sa P2.9 million ang tax deficiency ng kumpanya.

Ayon sa Ombudsman nilabag ni Moreno ang Republic Act 7160 o Local Government Code dahil sa kaniyang ginawa.

Maliban kay Moreno nasibak din dahil sa nasabing kaso ang City Treasurer’s Office officer-in-charge Glenn Bañez. Samantala, si Fernandez naman ay sinibak dahil sa grave misconduct.

Si Fernandez, na isa sa mga akusado sa kasong pagpatay sa Davao-based journalist na si Nestor Bedolido noong 2010, ay napatunayang patuloy na umaaktong alkalde kahit siya ay nakakulong.

Kabilang sa mga naisagawa ni Fernandez ang pag-isyu ng office orders, business permits at appointments, at ang paglagda sa mga official documents.

Si Adiong naman ay sinibak dahil sa grave abuse of authority, grave misconduct at oppression matapos ipag-utos ang pagsunog sa truck nap ag-aari ng JERA General Construction.

Ang nasabing kumpanya ay itinalaga ng Lanao del Sur Electric Cooperative, Inc. (LASURECO) noong 2014 para maglagay ng concrete electric posts at distribution lines sa munisipalodad.

Ayon sa Ombudsman may mga testigo na nagsabing si Adiong ang nag-utos na sunugin ang truck noong May 13, 2014 matapos silang magkainitan ni LASURECO General Manager Sultan Ashary Maongco.

TAGS: graft, Mayors, ombudsman, graft, Mayors, ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.