Mga pulitikong nasa narcolist, may paraan pa para malinis ang kanilang mga pangalan

By Chona Yu October 18, 2018 - 12:53 AM

Pinakakalama ng Palasyo ng Malacañan ang mga pulitikong kasama sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, may solusyon ang mga nasa narcolist at maaaring patunayan sa publiko na hindi sila dawit sa iligal na droga.

Bukod dito, sinabi ni Panelo na hindi naman maituturing na hatol ang narcolist sa mga pulitiko.

Giit pa ni Panelo na sa ngayon, wala pang pinal na pagpapasya ang Pangulong Duterte kung bibigyan na ng basbas ang Dangerous Drugs Board (DDB) na isapubiko ang narcolist.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.