VIRAL: Montero, humarurot sa parking area ng St. Lukes Global

COURTESY: James Deakin

Viral ngayon sa social media ang panibagong insidente na kinasasangkutan ng isang Mitsubishi Montero.

Sa CCTV footage na ipinost ni James Deakin sa kanyang Facebook page, makikita ang pagharurot ng isang silver na Montero.

Nangyari ang insidente sa parking area ng St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City o BGC sa Taguig City, dakong 7:28 ng Miyerkules ng gabi (October 17).

Sa kabutihang palad ay nakaiwas ang security guard nang mabilis na mabangga ng Montero ang pader.

Naging malaki ang pinsala na naidulot ang aksidente sa ari-arian ng St. Lukes, at warak din ang Montero. Pero ligtas naman ang driver ng SUV.

Makailang beses nang nasangkot sa aksidente ang units ng Montero, ang iba ay bunsod daw ng sudden unintended acceleration o SUA.

Read more...