Hindi bababa sa 18 katao, patay sa pagsabog sa Crimea college

By Isa Avendaño-Umali October 17, 2018 - 08:41 PM

 

Patay ang hindi bababa sa labing walong katao habang marami ang sugatan sa naganap na pagsabog sa isang kolehiyo sa Russian-annexed Crimea.

Batay sa inisyal na ulat ng mga otoridad, isang “unidentified explosive device” ang pinasabog sa vocational college sa Kerch.

Noong una ay sinasabing gas explosion ang rason ng pagsabog.

Pero batay sa tagapagsalita ni Russian President Vladimir Putin na si Dmitry Peskov, tinitingan nila ang posibilidad na isang “terrorist act” ang nangyari.

Karamihan sa mga namatay ay mga kabataan.

Iniutos na ni Putin sa intelligence agencies na magsagawa ng malalimang imbestigasyon, at nagpaabot na rin ng pakikiramay sa mga pamilyang ng mga yumaong biktima.

 

TAGS: Crimea college, Crimea college

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.