LTFRB, nakiusap sa mga PUJ driver na huwag munang maningil ng dagdag-pasahe

By Isa Avendaño-Umali October 17, 2018 - 07:29 PM

Nakiusap ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa mga jeepney driver na huwag munang singilin ng dagdag-pasahe ang kanilang mga pasahero.

Ito’y kasunod ng pagkaka-leak ng dokumento kaugnay sa inaprubahang fare hike sa public utility jeepneys o PUJs.

May dagdag na dalawang piso (P2.00) sa pasahe, kaya nasa sampung piso (P10.00) na ang minimum fare sa jeepney, batay sa lumabas na dokumento.

Sa statement ng LTFRB, hiniling nito sa PUJ drivers na hintayin ang ahensya na maglabas ng opisyal na dokumento sa pagtataas ng pasahe bago mag-charge ng anumang karagdagang pasahe.

Ayon sa ahensya, ikinalulungkot nila ang pagsasapubliko ng desisyon ng lupon, bago ito masertipikahang opisyal.

Ang official document ay ilalabas ng LTFRB kapag napirmahan na ito ng LTFRB executive director at naka-docket na.

Hiniling naman ng LTFRB sa media na kung maglalabas ng balita ay tiyakin na manggagaling ang official information sa Office of the LTFRB chairman o manggagaling sa official communications platforms ng ahensya upang maiwasan ang pagkalito.

 

TAGS: fare hike, ltfrb, Public utility jeepneys, fare hike, ltfrb, Public utility jeepneys

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.