Inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Gringo Honasan na maging kalihim ng Department of Information and Communications Technology o DICT.
Ayon sa source sa Malakanyang, target na italaga ng pangulo si Honasan sa Enero 2019.
Sa kasalukuyan si Eliseo Rio ang tumatayong acting secretary ng DICT.
Gayunman, wala pang tugon si Honasan kung tatanggapin ang alok ni Pangulong Duterte.
Makailang beses na tinawagan at tinext ng Radyo Inqurier si Honasan subalit hindi tumugon.
Nasa huling termino na si Honasan sa Senado at matatapos ang kanyang panunungkulan sa July 2019.
Bago naging senador, naging opisyal muna ng Philippine Army si Honasan at naglunsad ng ilang kudeta sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Madalas na nababangggit ng pangulo na mas gusto niyang italaga sa gobyerno ang mga sundalo dahil sa madaling mautusan at agad na sumusunod sa trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.