Makati RTC branch 148, malabo pang maglabas ng utos ukol sa hirit ng DOJ na ipaaresto si Trillanes
Malabo pang maglabas ng utos ang Makati Regional Trial Court branch 148 kaugnay sa kasong kudeta ni Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Makati RTC branch 148 clerk of court Maria Rhodora Malabag-Peralta, walang order na ilalabas si Judge Andres Soriano ngayong araw ng Miyerkules (October 17).
At maaaring walang ring mailalabas bukas ng Huwebes (October 18).
“Not today, and probably not tomorrow,” mensage ni Clerk of Court Peralta.
Ang Makati RTC branch 148 ang dumidinig sa kasong kudeta laban kay Trillanes, kaugnay sa 2003 Oakwood Mutiny.
Matatandaang nagmosyon ang Department of Justice o DOJ sa korte na mag-isyu ng arrest warrant laban kay Trillanes.
Nauna nang nag-isyu ng warrant of arrest at hold departure order ang Makati RTC branch 150 laban kay Trillanes, hinggil naman sa kasong rebelyon.
Si Trillanes ay nakapaglagak ng piyansa para sa rebellion case, pero kung sakaling maglabas ng warrant of arrest ang Makati RTC branch 148, non-bailable ito ang kasong kudeta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.