Binigyang-pagkilala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga nasawing sundalo na nakipaglaban sa sumiklab na giyera sa Marawi City.
Pinangunahan ni AFP Chief Gen. Carlito Galvez ang paggunita sa unang anibersaryo ng Marawi Liberation Day.
Ayon kay Galvez, magiging bahagi na ng ating buhay ang pangyayari sa Marawi City.
Dapat aniyang alalahanin ang naging sakripisyo at pagbubuwis ng buhay ng mga sundalo para makamit ang kapayapaan sa naturang rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.