PNP wala pang natatanggap na request mula sa mga kandidato para magkaroon ng police escorts

By Dona Dominguez-Cargullo October 17, 2018 - 12:12 PM

Wala pang natatanggap ang Philippine National Police (PNP) na police escort request sa mga kakandidato sa 2019 midterm elections.

Ayon kay PNP chief, Director General Oscar Albayalde, kasunod ito ng pagtutok at pagbabantay ng pulisya sa kasagsagan ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy (COC) sa mga opisina ng Commission on Elections.

Aabot ng dalawang police escorts ang posible i-assign sa kada pulitiko kung makakapagbigay ng kumpleto dokumento ang kandidato.

Sinabi naman ng opisyap na bibigyang-prayoridad ang mga pulitiko na may death threats o seryosong banta sa buhay.

Samantala, pinaalalahanan ni Albayalde ang mga pulitiko na hindi maaaring mapagbigyan ang lahat ng kanilang hiling dahil kinakailangan din ang mga opisyal para matiyak ang seguridad sa huling araw ng COC filing sa iba’t ibang Comelec offices.

TAGS: 2019 elections, PNP, police escorts, 2019 elections, PNP, police escorts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.