Macalintal, Hilbay, Alunan, naghain na rin ng kanilang COC

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas October 17, 2018 - 11:33 AM

Inquirer Photo

Nagsumite na ng certificate of candidacy si dating Solicitor General Florin Hilbay para tumakbong senador sa 2019 elections.

Bahagi si Hilbay ng walong senatorial slate ng Oposisyon Koalisyon na binubuo ng Liberal Party, Akbayan, Magdalo, Aksyon Demokratiko, Tindig Pilipinas at iba pang cause-oriented groups.

Naging SolGen si Hilbay noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino mula 2014 hanggang 2016.

Samantala, naghain na rin ng kaniyang COC si dating DILG Sec. Rafael “Raffy” Alunan III.

Tatakbo naman si Alunan sa ilalim ng Bagumbayan Party.

Sinamahan siya ni Senator Dick Gordon sa pagsusumite ng COC.

Ngayon ding huling araw ng COC filing naghain ng kaniyang COC si Atty. Romulo Macalintal.

Sinamahan pa si Macalintal ng kapwa niya election lawyer at dating Comelec Chairman Sixto Brillantes.

Tatakbo si Macalintal bilang independent candidate.

 

 

TAGS: 2019 midterm elections, COC Filing, Florin Hilbay, Rafael Alunan, Romulo Macalintal, 2019 midterm elections, COC Filing, Florin Hilbay, Rafael Alunan, Romulo Macalintal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.