Senator Sonny Angara, Sergio Osmeña III naghain ng COC
Sa last day ng filing ng certificate of candidacy kabilang ang reelectionist na si Sen. Sonny Angara sa mga nagsumite ng COC sa Comelec.
Kasama ni Angara sa paghahain ng COC ang misis na si Tootsy Angara.
Kung papalarin ito na ang ikalawang termino ni Angara sa senado matapos siyang manalong senador noong 3013 elections.
Ayon kay Sen. Angara ang pananatili niya sa “Magic 12” sa mga survey ang magsisilbing motivation para lalo pang magtrabaho sa mataas na kapulungan.
Samantala, naghain din ng COC si dating Sen. Sergio Osmeña III para muling tumakbong senador.
Sumabak sa senatorial race si Osmeña noong 2016 pero hindi ito nanalo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.