LOOK: Presidential Adviser Francis Tolentino naghain na ng COC
Muling sasabak sa senatorial race si Presidential Adviser Francis Tolentino.
Isinumite ni Tolentino ang kaniyang certificate of candidacy ngayong huling araw ng paghahain ng COC.
Kakandidato si Tolentino sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
Bago naman ang paghahain niya ng COC sinabi ni Tolentino na naghain siya ng mosyon para ipasuspinde at i-archive ang electoral protest niya laban kay Sen. Leila de Lima.
Natanong naman si Tolentino tungkol sa pag-sponsor niya ng sexy dancers sa isang aktibidad noong taong 2015 na naging kontrobersiyal noon.
Sinabi ni Tolentino na hindi na iyon isyu para sa kaniya at kinalimutan na niya iyon.
Noong 2016 ay tumakbong senador si Tolentino subalit hindi ito pinalad na magwagi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.