3 patay sa operasyon kontra ilegal na droga sa Cebu

By Cebu Daily News, Dona Dominguez-Cargullo October 17, 2018 - 08:56 AM
CREDIT: Paul Lauro – CDN

Tatlo ang patay sa ikinasang anti illegal drug operation ng mga pulis sa Talisay City sa Cebu.

Ginawa ang operasyon ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit pasado alas 4:00 ng madaling araw ng Miyerkules, Oct. 17 sa Barangay Tabunok.

Ayon kay Chief Insp. Ardiolito Cabagnot ng Talisay City Police-DEU, ang mga suspek na nasawi ay kinilalang sina Norberto Larigo, Ryan Mana-ay at Clifford Garcia Rabago.

Nakipagbarilan umano ang tatlo sa mga pulis na nagsasagawa ng operasyon sa lugar.

Nakuha sa tatlo ang mga pakete ng hinihinalang shabu at tatlong baril.

TAGS: anti illegal drug operation, cebu, Talisay City, War on drugs, anti illegal drug operation, cebu, Talisay City, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.