Jiggy Manicad tatakbong senador

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas October 17, 2018 - 08:46 AM

Inquirer Photo | Jovic Yee

Naghain ng kaniyang certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections ang Television journalist na si Jiggy Manicad.

Tatakbong senador si Manicad para sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Manicad nagbitiw na siya sa kaniyang trabaho sa GMA network.

Tatakbo si Manicad bilang independent candidate.

Sinamahan si Manicad ng kaniyang asawa na si Marine sa paghahain ng COC.

Ani Manicad, kabilang sa plataporma niya sa pagtakbo niya bilang senador ay ang pagkakaroon ng transparency sa acquisition cost ng produktong petrolyo, pagsusulong ng pagkakaroon ng “culture hour” sa media at pagpasa ng Magna Carta for Rescue Workers.

Aminado si Manicad na maaring bago siya sa pulitka pero sa 23 taon niya bilang broadcast journalist ay hindi bago sa kaniya ang problema ng bayan.

TAGS: 2019 elections, COC Filing, Jiggy Manicad, midterm elections, 2019 elections, COC Filing, Jiggy Manicad, midterm elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.