Reklamong libelo laban kay Ubial kaugnay sa Dengvaxia isyu ibinasura ng DOJ

Ibinasura lang ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong libel na isinampa laban kay dating Health Sec. Paulyn Ubial at iba pang opisyal ng Department of Health kaugnay sa Dengvaxia vaccine controversy.

Ang reklamo ay isinampa ni dating Health Sec. Janette Garin laban kay Ubial dahil sa pagsisi umano nito sa kaniya sa kinahinatnan ng programa para sa Dengvaxia nang humarap si Ubial sa senate hearing.

Ayon sa DOJ, walang malisya sa naging pahayag ni Ubial nang humarap siya sa pagdinig.

Sa naturang hearing ng senate, sinabi ni Ubial na pinilit siya ng mister ni Garin na si Iloilo Rep. Oscar Garin Jr., para palawigin pa ang dengue immunization programs a Central Visayas.

Ang pagbasura sa reklamo ay pirmado ni DOJ Senior Prosecutor Lilian Doris Alejo at at inaprubahan ni Sr. State Prosecutor Richard Anthony Fadullon.

Read more...