Kumpiyansa si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na kayang makalikom ng P40 bilyon ang syudad kada taon, doble ng P18.5 bilyon na nakukulekta ng Quezon City kung maipapatupad nang maayos ang mga city ordinance ng lungsod.
Dahil aniya ito sa marami umanong ordinansa na naisabatas sa syudad ngunit hindi naipapatupad nang tama gaya ng 6,000 katao ang nahuhuli araw-araw dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa.
Halimbawa na rito ang mga ordinansa ng syudad na pagbabawal ng pag-inom ng alak sa pampublikong lugar, paninigarilyo, at iba pa na hindi napagmumulta ang mga nahuhuli.
Sanabi pa ni Belmonte na makakalikom ng malaking pondo ang Quezon City kung maalis rin ang kurapsyon sa paniningil ng buwis sa syudad.
Sa kabila nito, bagaman ang Quezon City ay may koleksyon na P18.5 bilyon kada taon, hindi pa rin umano ito maituturing na pinakamayamang syudad sa buong bansa.