Occupation ni dating Senador Enrile sa kanyang COC, “businesswoman”

Businesswoman ang nakalagay na propesyon ni dating Senate President Juan Ponce Enrile sa inihain nitong certificate of candidacy (COC) para tumakbong Senador sa 2019 elections.

Sa COC form na isinumite ni Enrile, nagkamaling nakalagay ang “businesswoman” sa bahagi ng profession or occupation.

Nakalagay ang naturang salita sa ilalim ng pangalan ng misis ni Enrile na si Cristina.

Itinama naman ang impormasyon kung saan binura ang ilang letra gamit ang correction fluid at naging “businessman” na ang nakalagay.

Naghain ang dating senador ng COC sa pamamagitan ng abogado nitong si Atty. Joseph Sagandoy na pumunta sa tanggapan ng commission on elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila, Martes ng hapon.

Ayon sa 94 anyos na si Enrile, nais niyang makisali sa saya kaya nais niyang bumalik sa Senado sa pamamagitan ng pagkandidato sa susunod na taon.

Sakaling manalo sa sunod na halalan, magiging 101 anyos na si Enrile sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2025.

Read more...