Presyo ng mga bilihin magsisimula nang bumaba ayon sa Monetary Board
Inaasahan ang posibleng pagsagad ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayong Oktubre at unti unting bababa ang inflation rate simula sa Nobyembre.
Ayon kay Monetary Board Member Felipe Medalla, ngayong buwan na ang peak ng inflation at sa Nobyembre ay magsisimula nang bumaba ang mga presyo ng mga bilihin.
Noong Agosto ay nasa 6.4% ang inflation rate at noong Sityembre ay tumaas ito sa 6.7% bunsod ng pagsipa ng presyo ng mga pagkain, produktong petrolyo at iba pang bilihin.
Sinabi ng Board na isa sa pwedeng magpababa sa presyo ng mga bilihin ang panukalang rice tariffication law na layong payagan ang pribadong sektor na mag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa.
Nais ng gobyerno na dumami ang supply ng bigas sa mga pamilihan para bumaba ang presyo nito.
Wala pang inilalabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na inflation rate para sa Oktubre habang ilalabas naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bagong antas ng inflation sa November 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.