Ouster plot laban kay Pangulong Duterte iniurong sa Disyembre — Malacañan
Hindi na nagulat ang Palasyo ng Malacañan kung iniurong ng komunistang grupo ang tangkang pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Rodrigo Duterte sa buwan ng Disyembre.
Pahayag ito ng Palasyo matapos sabihin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi na ngayong Oktubre o wala na ang Red October Plot kundi inurong sa Disymbre.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, may sapat na intelligence resources ang AFP para pagbasehan ng kanilang pahayag.
Giit pa ni Panelo na hindi rin nakapagtataka na palaging mayroong plano ang komunistang grupo na patalsikin ang pangulo dahil sa simula pa lamang iyon na ang kanilang plano.
“Most likely. But you know, hindi naman ako magtataka na palaging mayroon plot, because that is precisely the rationale of the creation of the Communist Party of the Philippines to oust the present government. So kataka-taka kung hindi sila nagpaplano ng ouster move every day. Eh 50 years na nilang pinaplano pero so far nabibigo naman sila,” paliwanag ng tagapagsalita ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.