US magbibigay ng dagdag na P1.35B para sa rehabilitasyon ng Marawi

Inanunsyo ng Estados Unidos na handa pa itong magbigay ng karagdagang ayuda na aabot sa P1.35 bilyon sa susunod na tatlong taon para sa rehabilitasyon ng mga komunidad sa Marawi City.

Personal na binisita ni US Ambassador Sung Kim ang Marawi City isang araw bago ang liberasyon ng lungsod mula sa mga kamay ng ISIS-inspired Maute terror group.

Sa isang pulong balitaan ay inanunsyo ni Kim ang ‘Marawi Response Project’ ng US Agency for International Development’s (USAID).

Binuo anya ito para tulungan ang mga residente ng lungsod na makaahon.

Ani Kim, kaisa ng Pilipinas ang US para ibigay ang mga pangangailangang ekonomikal, sosyal, pangkalusugan at edukasyon ng mga mamamayan ng Marawi at mga karatig-lugar nito.

Dahil sa anunsyo ni Kim, aabot na sa P3.2 bilyon ang kabuuang funding pledge ng USAID sa bansa.

Samantala, inanunsyo rin ni Kim ang pagpapasinaya sa Empowering Madrasa Educator 2 program na layong magbigay ng long-term training sa 175 madrasa educators at 25 madrasa administrator smula sa Marawi, Lanao del Sur at iba pang komunidad sa Mindanao.

Read more...