Operasyon nauwi sa barilan sa Bulacan; suspek patay!

By Justinne Punsalang October 17, 2018 - 04:04 AM
Contributed photo

Nasawi ang isang drug suspek matapos makipagpalitan ng putok sa mga otoridad sa Barangay Bancal, sa Meycauayan City, Bulacan.

Kinilala ang napatay na tulak ng ipinagbabawal na gamot na is Rudy Vidal na ginagamit din ang pangalang Arvin, 34 na taong gulang at residente ng Valenzuela City.

Ayon sa mga operatiba ng Meycauayan City Police, hatinggabi ngayong araw nang magkasa sila ng operasyon laban kay Vidal.

Ngunit nakatunog umano ito na pulis ang katransaksyon, dahilan upang bumunot ito ng baril at pinaulanan ng bala ang mga otoridad.

Gumanti ng putok ang pulisya na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Vidal.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre 38 revolver at limang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu. Tinatayang nagkakahalaga ito ng P6,800.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.