2 lalaki arestado dahil sa droga sa Malabon City

By Justinne Punsalang October 17, 2018 - 04:43 AM

Kalaboso ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng iligal na droga sa Barangay Tonsuya, Malabon City.

Nakilala ang mga suspek na sina Joel Letran, 52 taong gulang; at Eduardo Anota, 50 taong gulang.

Ayon sa Malabon City Police, nagsasagawa ang kanilang mga kawani ng Oplan Galugad sa Barangay Tonsuya nang makita ang kahina-hinalang kilos ng dalawa.

Nang kapkapan ay doon na nakuha ang dalawang sachet ng shabu.

Agad na dinakip sina Letran at Anota na ngayon ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.