Prospero De Vera opisyal nang itinalaga bilang chairman ng CHED

Opisyal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dr. J. Prospero De Vera III bilang chairman ng Commission on Higher Education (CHED).

Sa isang pahayag ay kinumpirma ni CHED Officer-in-Charge –Executive Director Atty. Cinderella Filipina Benitez-Jaro ang appointment ni De Vera na nakatakdang magsilbing chairman hanggang July 2022.

Matatandaang mula September 13, 2016 ay nagsilbing commissioner ng ahensya si De Vera bago gawing officer-in-charge (OIC) noong January 24, 2018 matapos ang pagreretiro ni Patricia Licuanan.

Nagpahayag naman ng kasiyahan si De Vera sa tiwala at kumpyansang ibinigay sa kanya ng pangulo.

Ayon sa opisyal, gagawin niya ang lahat para masiguro na magiging matagumpay ang implementasyon ng Republic Act 10931 o Free Higher Education Act at iba pang reporma na kinakailangan sa higher education.

Si De Vera ang kauna-unahang CHED Commissioner na sumuporta sa Free Tuition bill noong tinatalakay pa ito sa Kongreso noong 2016.

Read more...