Panukalang HIV/AIDS Policy Act kailangan na lang lagdaan ni Pangulong Duterte
Hinihintay na lamang sa ngayon ang lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte upang tuluyan nang maging isang ganap na batas ang Senate Bill No. 1390 o ang Philippine HIV and AIDS Policy Act.
Noong nakaraang linggo ay inaprubahan na ng Bicameral Conference Committee ng Kongreso ang naturang panukala na magpapalakas sa awareness ng publiko ukol sa HIV/AIDS.
Sa ilalim nito, magkakaroon ng HIV/AIDS prevention and awareness program sa mga paraalan, simula pa lamang sa Grade 1.
Isasailalim din sa voluntary HIV/AIDS testing, screening, at counseling ang mga mag-aaral edad 15 pataas nang hindi kinakailangan ang pahintulot ng kanilang mga magulang.
Paliwanag ng Department of Health (DOH), lumalabas sa mga bagong datos na karamihan sa mga bagong kaso ng HIV/AIDS ay nasa edad 15 hanggang 24.
Kapag naging ganap na batas ang Philippine HIV and AIDS Policy Act, bubuo ang pamahalaan ng isang inter-agency sa ilalim ng DOH na tatawaging National AIDS Council na silang mangangasiwa sa mga programa ng bagong batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.