Mariah Carey inanunsyo ang bagong album

By Justinne Punsalang October 17, 2018 - 12:02 AM

Mariah Carey

Isiniwalat na ng tinaguriang Songbird Supreme na si Mariah Carey ang title ng kanyang bagong album.

Sa pamamagitan ng kanyang personal Twitter account ay inanunsyo nito na sa November 16, 2018 na ilalabas ang kanyang “Caution” album.

Sa video ay mapapanood si Mariah kasama ang kanyang anak na si Moroccan o Rocky.

Unang inanunsyo ng singer ang tungkol sa kanyang bagong album noong Sityembre kung kailan inilabas niya ang unang single nito na “GTFO.”

Sumunod namang inilabas ang official single ng album na pinamagatang “With You” na nagkaroon pa ng live TV premiere sa American Music Awards kamakailan lamang.

Sa ngayon ay nasa Kuala Lumpur, Malaysia si Mariah para sa pagsisimula ng kanyang Asian tour.

Kabilang ang Pilipinas sa bibisitahin at pagtatanghalan ng singer. Ito ay magaganap sa October 26 sa Araneta Coliseum.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.