Target na growth rate sa 2018 ibinaba ng Malacañang

By Den Macaranas October 16, 2018 - 03:36 PM

Nagsagawa ng revision ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa target na growth rate ng bansa para sa kasalukuyang taon.

Ang DBCC ay isang inter-agency group na binubuo ng economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni DBCC Chairman at Budget Sec. Benjamin Diokno na na mula sa dating target na 8.0 percent ay ibinaba nila sa 6.5 hanggang sa 6.9 ang gross domestic product (GDP) target para sa kasalukuyang taon.

Ipinaliwanag naman ni Finance Sec. Carlos Dominguez na malaki ang naging epekto ng trade war sa pagitan ng U.S at China kaya nag-iba ang business climate sa buong mundo.

Kailangan umabo ang adjustment dahil biglang nag-iba ang galaw ng negosyo sa world market.

Aminado rin ang opisyal na dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa world market ay pinabagal nito ang economic growth ng bansa.

Nagbabala rin ang kalihim dahil ang treand ngayon ay ang patuloy na pagtaas ng interest rates na epekto ng pagbabago ng U.S sa kanilang interest rate policy.

TAGS: dominguez, duterte diokno, economic manager, growth rate, Malacañang, U.S, dominguez, duterte diokno, economic manager, growth rate, Malacañang, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.