Pang. Duterte wala pang napipiling kapalit ni Bong Go

Courtesy of Presidential Photographers Division

Wala pang napipili si Pangulong Rodrigo Duterte na kapalit ni dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, naghahanap pa ang pangulo sa kapalit ni Go.

Nagbitiw na kahapon si Go at naghain ng kandidatura sa pagka-senador.

Ayon kay Panelo, ikinukunsidera ngayon ng pangulo si Atty. Charmalou Aldevera na abogado ni Pastor Apollo Quiboloy.

Unang lumutang ang mga balita na si Aldevera na ang napili ng pangulo para ipalit kay Go.

Read more...