Human rights lawyer Chel Diokno tatakbong senador

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas October 16, 2018 - 12:30 PM

Comelec Photo

Naghain ng certificate of candidacy para tumakbong senador si human rights lawyer Jose Manuel “Chel” Diokno.

Ayon kay Diokno sakaling manalo, ipaglalaban niya ang karapatan ang hustisya para sa mga mahihirap.

Ani Diokno, hindi siya miyembro ng Liberal Party pero suportado ng oposisyon ang kaniyang kandidatura.

Hindi rin nababahala si Diokno kahit hindi siya pumapasok sa top 12 sa mga survey.

Aniya, malayo pa naman ang eleksyon at sa susunod na taon maaring mabago pa ang resulta ng mga survey.

Si Diokno ay anak ni dating Senador Jose “Pepe” Diokno na nabilanggo noong panahon ng martial law.

TAGS: 2019 elections, Jose Manuel "Chel" Diokno, Radyo Inquirer, 2019 elections, Jose Manuel "Chel" Diokno, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.