Si Escobar at ang provincial agriculturist ng Sarangani na si Romeo Miole ay kapwa napatunayang guilty sa kasong Malversation of Public Funds.
Ang kaso ng dalawa ay may kaugnayan sa ginawang pamamahagi ng 1,875 na bigas na dapat sana ay para sa mga biktima ng La Niña pero sa mga opisyal ng barangay at munisipyo na ipamahagi isang linggo bago ang 2002 elections.
Ang nasabing mga bigas ay bahagi ng Sagip Taniman Project para sa livelihood at rehabilitation ng mga magsasakang naapektuhan ng La Niña. Inaprubahan ni Escobar ang disbursement voucher, purchase request, purchase order, at ang requisition at issue slip para sa pagbili ng nasabing mga bigas,
Si Miole naman ang bumuo ng project design at nagsertipika ng disbursement voucher.
Pero kapwa hinayaan ng dalawa na sa mga municipal at barangay officials mapunta ang mga bigas imbes na sa mga magsasaka.
Sa desisyon ng Sandiganbayan 3rd division, kapwa hindi na rin papayagan ang dalawa na maluklok sa anomang posisyon sa gobyerno at pinagbabayad pa ng multang P1.44 million.