Gov. Imee Marcos naghain ng COC sa pagka-senador

Comelec Photo

Naghain na rin ng kaniyang certificate of candidacy si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa Comelec.

Tatakbong senador si Gov. Imee sa ilalim ng Nationalista Party.

Kasama ni Gov. Imee sa paghahain niya ng COC ang mga anak na sina Michael, Matthew at Borgy Manotoc, at kapatid na si dating Senador Bongbong Marcos.

Ayon kay Marcos, isusulong niyang mapababa ang presyo ng mga bilihin at serbisyo at mawakasan ang kahirapan.

Sakaling mahalal, sinabi ni Marcos na wala namang magiging problema sa kaniya na mayroong makasamang “Aquino” sa senado.

Aniya ang tagal nilang nagkasama sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ni dating Pangulong Noynoy Aquino at wala namang naging problema.

Read more...