Ariana Grande at Pete Davidson, hiwalay na

By Jimmy Tamayo October 16, 2018 - 10:56 AM

Matapos ang limang buwang relasyon, hiwalay na ang magkasintahang Ariana Grande at Pete Davidson.

Sa report ng TMZ, October 13 pa diumano ng magpasyang maghiwalay ang dalawa.

Nagdesisyon umano ang magkabilang panig na hindi pa napapanahon ang kanilang relasyon bagamat mahal naman daw nila ang isa’t isa.

Nagulat ang marami nang i-anunsyo ng singer ang relasyon sa Saturday Night Live comedian matapos mag-date simula noong May 2018.

Lalong nagulat ang maraming fans ng singer nang ihayag nila ang engagement kasunod ng proposal ni Davidson.

Binigyan pa ng komedyante ng diamond at engagement ring ang singer na nagkakahalaga ng $93,000.00.

Samantala, ilang mga appearance ang kinansela ng manager ni Ariana.

TAGS: Ariana Grande, break up, Pete Davidson, Ariana Grande, break up, Pete Davidson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.