Dating tagapagsalita ng Con-com tatakbong senador

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas October 16, 2018 - 10:47 AM

Inquirer Photo | Jovic Yee

Naghain ng kaniyang certificate of candidacy (COC) sa Comelec ang dating tagapagsalita ng Consultative Committee na si Conrado “Ding” Generoso.

Tatakbo si Generoso bilang senador sa ilalim ng Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi political party.

Kasama ni Generoso na naghain ng COC ang kaniyang mga party mate.

Ani Generoso, ang kanilang partido ay kaalyado ng Bagong SUstema Bagong Pag-asa movement.

Dahil sa paghahain ng COC, sinabi ni Generoso na hindi na siya magiging tagapagsalita ng Con-com.

Maliban sa pagsusulong sa pederalismo, sesentro sa system change at federal constitution ang plataporma ni Generoso.

 

TAGS: 2019 midterm elections, Ding Generoso, Radyo Inquirer, 2019 midterm elections, Ding Generoso, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.