Sen. Bam Aquino aminadong mahihirapan sa eleksyon dahil hindi siya kaalyado ng pangulo

By Ricky Brozas October 16, 2018 - 10:13 AM

Inquirer.net Photo | Ryan Leagogo

Naniniwala si Senator Bam Aquino na mahirap ang mangyayaring eleksyon sa 2019 dahil hindi siya kaalyado ng nakaupong presidente.

Naghain si Aquino ng kaniyang certificate of candidacy para muling tumakbong senador.

Katunayan ani Aquino, marami ang nagpayo sa kaniya na huwag nang tumakbo sa midterms elections dahil sa kasalukuyang “political climate”.

Gayunman, sinabi ni Aquino na hindi pa tapos ang kaniyang hangarin na makapaglingkod.

Sa ranking naman sa survey, sinabi ni Aquino na magbabago pa ang mga resulta ng senatorial survey habang papalapit ang halalan.

Bagaman maari aniyang magdulot ng pangamba sa mga kandidato ang mga lumalabas na survey result, sinabi ni Aquino na ang kagustuhang magserbisyo sa publiko ang magsisilbi nilang driving force.

TAGS: 2019 midterm elections, bam aquino, COC Filing, 2019 midterm elections, bam aquino, COC Filing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.