Pang. Duterte wala pang senatorial slate para sa 2019 elections

By Chona Yu October 16, 2018 - 09:03 AM

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hanggang ngayon ay wala pa siyang senatorial slate para sa 2019 elections.

Sa kabila ito ng inilabas na listahan ng kanyang partidong PDP-Laban.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa change of command ng Philippine Army sa Fort Bonifacio sa Taguig, sinabi nito na hanggang ngayon ay wala pa siyang kumpleto g listahan ng mga kakandidatong senador.

Tiniyak naman ng pangulo na ikakampanya nya ang kanyang mga kandidato lalo na ang kanyang mga matatalik na kaibigan gaya ni dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Matatandaang kagabi lamang, pinaalalahanan ng pangulo ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang uniformed personnel na maging neutral at huwag makisawsaw sa partisan politics.

Tiniyak din ng pangulo na hindi niya ipagagamit sa mga kandidato ng administrasyon ang mga govertnment resources.

Una rito, sinabi ni Senador Koko Pimentel, residente ng PDP-Laban na pasok sa kanilang senatorial slate sina Go, dating Bureau of Corrections chief Ronald Dela Rosa, Congressman Dong Mangudadatu at iba pa.

TAGS: 2019 elections, PDP Laban, Senatorial slate, 2019 elections, PDP Laban, Senatorial slate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.