LOOK: Mar Roxas naghain na ng COC sa Comelec

INQUIRER PHOTO | CATHRINE GONZALES

Naghain na ng kaniyang certificate of candidacy sa pagka-senador si Mar Roxas.

Maagang dumating sa Comelec main office si Roxas at sya ang unang naghain ng COC ngayong araw.

Bahagi si Roxas ng senatorial slate ng Liberal Party.

Nagkataon naman na nang dumating si Roxas sa Intramuros, Maynila ay naroroon na ang mga tagasuporta ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Nang makita nila si Roxas sumigaw sila ng “Marcos pa rin”!

Bilang reaksyon sinabi ni Roxas na patunay itong buhay pa rin ang demokrasya sa bansa.

Read more...