Bagong Philippine Army commander, inatasan na panatilihin ang kapayapaan at kalayaan sa bansa

By Chona Yu October 16, 2018 - 08:04 AM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si bagong Philippine Army Commander Major General Macairog Alberto na panatilihin ang kapayapaan at kalayaan sa bansa.

“To General Alberto, know that we will constantly face threats and challenges as we trudge the noble path of realizing lasting peace and sustainable development. I trust that you will take up this action as our Army’s new Commanding General,” ayon sa pangulo.

Sa change of command sa Fort Bonifacio sa Taguig, hiniling din ng pangulo sa mga sundalo na suportahan si Alberto para maipagpatuloy ang mga reporma.

Umaasa ang pangulo na dahil sa pakikipag-tulungan ng mga sundalo, makakamit ng gobyerno ang mithiin na magkaroon ng ligtas na bansa.

Kasabay nito, pinasalamatan ng pangulo si dating Army chief Rolando Bautista sa serbisyo na ibinigay sa gobyerno.

Malaki aniya ang naipuntos ng pamahalaan laban sa New People’s Army (NPA) at Abu Sayyaf Group (ASG) sa sa ilalim ng pamumumuno ni Bautista.

Si Bautista ay itinalaga ng pangulo bilang bagong kalihim ng DSWD.

TAGS: Philippine Army, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Philippine Army, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.