Palawan, Visayas at Mindanao apektado ng ITCZ
By Dona Dominguez-Cargullo October 16, 2018 - 07:57 AM
Apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Palawan, Visayas at Midnanao.
Ayon sa PAGASA dahil sa ITCZ, ngayong araw sa Palawan at Bicol Region, buong Visayas at Mindanao ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.
Maari itong magdulot ng flashfloods o landslides kung magtutuloy-tuloy ang mga pag-ulang mararanasan.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon lamang ng pag-ulan sa hapon o gabi dulot ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.