MRT may bagong sistema sa pila ng mga pasahero sa North Avenue Station
Magpapatupad ng bagong sistema ang Metro Rail Transit – 3 sa pila ng mga pasahero sa North Avenue Station.
Ayon sa MRT, babaguhin na ang dating nakagawian na ang mga pasahero ay pumipila sa bahagi ng Sogo Hotel
Sa ilalim ng bagong sistema ang mga pasahero na paakyat ng North Avenue Station ay pipila na sa bahagi ng Raberly UK Center.
Dalawang pila ang ilalaan para sa kanila.
Para naman sa mga priority passengers gaya ng mga buntis, senior citizens, at PWDs, ang simula ng pila ay sa tapat ng Sogo Hotel.
Ang mga bus naman mula Caloocan City ay maaaring magbaba ng pasahero mula sa Forland hanggang Raberly U.K. Center.
Samantala, ang mga pasahero ng P2P buses ay maaaring pumila sa designated line para sa P2P passengers.
Ang pila ay malapit sa terminal ng mga P2P buses.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.