3 ASG, patay sa engkuwentro sa Sulu
Tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang patay sa engkuwentro laban sa mga tropa ng 35th Infantry Battalion sa Sulu noong Lunes ng hapon, Nobyembre 2.
Ayon kay Joint Task Group Sulu Commander BGen. Alan R. Arrojado, katatanggap lamang nila ng report Miyerkules ng gabi na patay sa naturang engkwentro sina Timhar Jauhari ng Brgy. Darayan, Patikul, Sulu, Munar Abdulhair ng Brgy. Maligay, at isang Nasser Hadjail.
Sugatan naman sa engkwentro si Jani Kamlun ng Brgy. Tanum, Patikul, Sulu.
Matatandaang nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng Alpha Company ng 35th Infantry Battalion sa pamumuno ni 1Lt Albert Peralta at mahigit kumulang dalawampung bandidong Abu Sayyaf sa pamumuno ni ASG sub-leader Ninok Saparri sa Brgy. Liang, Patikul, Sulu ala una kwarenta’y singko Lunes ng hapon.
Dalawang sundalo ng 35th Infantry Battalion ang sugatan nang matamaan ng M203 shrapnels sa kamay at sa likuran. Sila ay kinilalang sina Pfc Gil M. Ermeje at Pfc Roselito A. Arnoco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.