Dalawang lalaki arestado sa kalagitnaan ng pot session sa Quezon City
Naaktuhan ng mga pulis ang dalawang lalaki na gumagamit ng iligal na droga sa tinatawag na “Kubo Area” sa Barangay Tatalon, Quezon City.
Nakilala ang mga suspek na sina Carmelito Veraque at Rodolfo Licardo.
Ayon kay Barangay Tatalon Kagawad Alexis Reynaldo Santos, nagsasagawa ng simultaneous anti-criminality and law enforcement operation (SACLEO) sa kanilang lugar ang mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) Station 11 nang makita ang dalawa sa gitna ng pot session.
Ani Santos, kilalang user ng ipinagbabawal na gamot ang dalawa. Aminado pa ito na marami pa ring drug users sa kanilang barangay.
Ngunit itinanggi naman nina Licardo at Veraque na gumagamit sila ng shabu; pero kapwa sila umamin na dati silang nahuli dahil pa rin sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.