Binatilyo, huli matapos pagnakawan ang isang estudyante sa Quezon City

Courtesy of QCPD Station 6

Hawak ngayon ng pulisya ang isang menor de edad matapos mahuli sa kanilang isinagawang followup operation sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Ayon kay PCP 3 commander, Inspector Eliseo Oares Jr., hapon nang magreklamo ang biktimang menor de edad din kasama ang kanyang ama dahil nawala ang kanyang bag habang nasa practice siya ng cheer dance kasama ang mga kaklase.

Nang tingnan ang CCTV sa lugar ay namukhaam ang suspek kaya naman agad na nagkasa ng followup operation ang pulisya kasama ang mga kawani ng barangay.

Doon na naaresto ang binatilyo na napag-alamang out-of-school youth.

Nabawi naman mula sa kanya ang bag ng biktima kung saan nakalagay pa rin ang mga gamit nito.

Inihahanda na ang kasong theft na isasampa sa menor de edad na suspek.

Read more...