Comelec, nag-adjust sa mga supporters ni Bong Go

By Rod Lagusad October 16, 2018 - 05:21 AM

Courtesy of Presidential Photographers Division

Idipensa ng Comelec ang pagkakaroon ng maraming supporters sa lugar kung saaan hanggang apat lang ang pinapayagan nang maghain si dating SAP Bong Go ng kanyang COC sa pagka senador.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ito ay para mapanatili ang kaayusan sa lugar.

Aniya hindi magiging maayos kung ihihinto ang proseso para lang mapalabas ang iba pang mga supporters.

Dagdag pa niya, ang naging presensiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na personal na sinamahan si Go.

Dahil dito, kinakailangan na may kasamang security deatil ang Pangulo.

Iimbesitigahan ng ahensiya kung paano nakapasok ang iba pang kasama ni Go at aalamin din kung ilan silang lahat.

Kasama din sa naging paghahain ng COC ni Go ay sina dating DFA Secretary Alan Peter Cayetano at dating DOJ Secretary Vitaliano Aguirre para sumuporta.

TAGS: bong go, comelec, rodrigo duterte, bong go, comelec, rodrigo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.