PNP, ikinatuwa ang pagkakahahal ng Pilipinas sa UN Human Rights Council

Ikinatuwa ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakahalal ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC).

Ang pagkapanalo ng bansa sa UNHRC ay panibagong tatlong taong termino.

Ayon kay PNP Dir. Gen. Oscar Albayalde, ang pagkakahalal ng bansa ay malinaw na manipestasyon sa pagkilala ng international community sa maayos na pagtupad sa mga obligasyon na may kaugnayan sa international human rights.

Kinikilala din ni Albayalde ang pagkunsidera ng UN na isang pandaigdigang problema ang ilegal na droga.

Dagdag pa ng PNP Chief na mas paiigtingin pa ang kampanya laban sa ilegal na droga ng bansa sa mga susunod pang mga taon.

 

Read more...