Sister Fox, hiniling sa DOJ na baliktarin ang utos na deportation laban sa kanya
Hiniling ni Australian missionary Sister Patricia Fox sa Department of Justice (DOJ) na baligtarin ang utos na ideport siya.
Sa kanyang sagot na isinumite sa DOJ, binanggit ni Fox ang karapatan sa free expression at payapang pagtitipon sa ilalim ng 1987 Constitution.
Iginiit ng madre na hindi lamang ito para sa mga Pilipino kundi para rin sa mga dayuhang tulad niya.
Nanindigan si Sister Fox na hindi dapat unilateral ang pagbawi sa kanyang missionary visa at dapat anyang binigyan siya ng pagkakataon na ihayag ang kanyang panig bago ang desisyon sa deportation.
Una rito ay sinabi ng ahensya na nilabag ng madre ang panuntunan ng pananatili nito sa Pilipinas.
Kinunsidera rin ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na undesirable alien si Fox dahil sa pagsama nito sa mga rally.
Pero ayon kay Fox, lumalabas na ibinatay ang desisyon sa pahayag ng Pangulo at hindi sa anumang merito ng kaso at argumento ng magkabilang panig.
Dahil wala ng missionary visa at may deportation order, pwede lamang manatali sa bansa si Fox hanggang magdesisyon ang DOJ sa kanyang apela.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.