Mayor Sara, naghain ng COC para muling maging alkalde ng Davao City
Naghain si Davao City Mayor Sara Duterte ng Certificate of Candidacy (COC) para sa re-election sa 2019 elections.
Ang paghahain ni Duterte ng COC sa mayoralty race sa Davao City ay taliwas sa mga unang balita na tatakbo ito bilang Senador.
Si Duterte ay nag-file ng COC sa Commission on Elections (Comelec) office sa Davao City kasama ang mister na si Atty. Manases Carpio.
Bago dito ay pumunta ang alkalde sa naturang tanggapan para samahan ang mga lokal na kandidato ng kanyang partido na Hugpong ng Pagbabago (HNP).
Liban sa posisyon ng Vice Mayor, kumpleto na ang lineup ng HNP kung saan mga kandidato ang magkapatid na Sara at Paolo Duterte.
Ayon kay Mayor Sara, kinikunsidera nila ang 2 posibleng kandidato bilang Bise Alkalde sabay pahiwatig na isa rito ay Duterte rin.
Sinabihan umano nito ang nakababatang kapatid na si Sebastian “Baste” Duterte na kanyang maging running mate pero hinihintay pa nila ang payo ng kanilang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.