Sec. Piñol, nilinaw na walang unimpeded rice importation na ipinag-utos si Pangulong Duterte

Nilinaw ni Agriculture Secretary Manny Piñol na walang unimpeded rice importation na ipinagutos si Pangulong Rodrigo Duterte taliwas sa naging pahayag noon ni dating Presidential Spokesman Harry Roque.

Ibig sabihin, hindi malayang makapag-aangkat ng bigas ang sinumang rice trader sa bansa.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Piñol na bagamat pinapayagan ng pangulo ang importasyon ng bigas, kinakailangan na tumalima pa rin ang mga rice trader sa mga itinatada ng batas gaya halimbawa ng pagkuha ng importation permit at iba pa.

Samantala, sinabi ni Piñol na isasapinal na sa susunod na October 18 ang suggested retail price sa presyo ng bigas.

Binigyang diin naman ni Piñol na dapat na mas mura ang halaga nagsasabay-sabay na ang pagpasok ng bigas sa bansa na sinabayan pa ng harvest season bukod pa sa inaasahang pagdating ng mga imported na bigas na kailangan aniyang mas mura kaysa sa local rice.

Read more...