Dokumento na magsususpinde sa excise tax sa oil products, hinihintay pa ng Malakanyang
Tiniyak ng palasyo ng Malakanyang na may ilalabas na dokumento si Pangulong Rodrigo Duterte para pormal na suspendehin ang second tranch ng excise tax sa produktong petrolyo sa susunod na taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa ngayon malinaw ang rekomendasyon ng economic managers ng pangulo na suspendihin ang excise tax sa oil productcs.
Kasabay nito, ipinauubaya na rin ng palasyo sa economic managers ang pagpapasya sa naging rekomendasyon ni Senador Grace Poe na suspendihin na ngayon ang excise tax sa oil products sa halip na ipatupad sa susunod na taon pa.
Dagdag ni Panelo, makikipag-ugnayan pa ang kanyang tanggapan kay Executive Secretary Salvador Medialdea kung kailan maglalabas ng administrative o executive order ang pangulo para suspendihin ang excise tax sa oil products.
Excerpt:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.