Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang pondo ng gobyerno sa ilalim ng kanyang pamamahala ang magagamit sa kampanya para sa darating na halalan.
Sa kanyang talumpati sa turnover ceremony ng bagong pinuno ng Philippine Army, sinabi ng pangulo na kahit masama paminsan-minsan ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig pero kahit kailan ay hindi niya pakiki-alaman ang pondo ng bayan.
Ayon sa pangulo, “There will be an election and it will be a peaceful one. Nobody, but nobody can use government resources. Kahit si Bong (Go)”.
Ipinaliwanag pa ni Duterte na may respeto siya sa mga posisyon sa pamahalaan at kailanman ay hindi niya ito pagtataksilan.
“I may have a very lousy mouth, but you know my values are quite good especially when it calls for the exercise of delicadeza”, dagdag pa ni Duterte.
Bago pa man siya naging pangulo ng bansa ipinaliwanag ng pangulo na marami na siyang natutunan sa pamumuno sa bansa tulad ng pagrespeto sa pondo ng mamamayan.
Pahayag pa ni Duterte, “I have learned my lesson not when I was president, but when I was mayor”.