PNP at AFP binalaan ng pangulo na huwag sumali sa pulitika
Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang law enforcement agencies na huwag makisawsaw sa isyu ng pulitika.
Sa kanyang talumpati sa turn-over ceremony para sa bagong pinuno ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, sinabi ni Duterte na titiyakin niya na magiging maayos at mapayapa ang darating na halalan sa 2019 kaya dapat na makiisa dito ang lahat ng mga uniformed personnel ng pamahalaan.
Binigyang-daan rin ng pangulo na magpapatupad sila ng mahigpit na kampanya kontra sa mga grupong gustong manggulo sa panahon ng eleksyon.
Samantala, itatalaga naman ng pangulo si outgoing Army Commander Lt. Gen. Rolando Bautista bilang bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Si Baustista ay pinalitan ni Maj. Gen. Macairog Alberto bilang pinuno ng Philippine Army.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.